Sunday, June 7, 2009

Pagsuyo





Inalok niya ako ng tsokalate,
Lobong hugis-puso,
teddy bear,
cotton candy,
romantic card
roses
liham
cake

Niyaya nya akong mag-chowking,
mag-jollibee,
mag starbucks
magkwek-kwek
magfishball
magdate

Wala na akong mapagsidlan ng rosas *
Wala na rin akong buhok na
mapagsasabitan ng bago nyang biling clip*

Inilay nya man ang pusong nagmamahal
Wala namang espasyo ng pag-big para
sa masa
sa naaapi
para sa pusong nagmamahal ng tunay
sa tinta
sa katotohanan
sa kalayaan
sa pangkalahatan.

Ayoko ng pag-ibig na iilan lamang ang nakalalasap.
Ayoko ng pag-ibig na pansamantla.
Ayoko ng pag-ibig na sariling kaligayahan lamang ang iniisip..

Bagyo ng Gunita






Kung sa bawat dampi ng malakas na hangin
At pagaspas ng mga dahon sa sanga’y
Ikaw ang naalala..
Sasaluhin ko ang mga malalaking patak ng ulan
Upang isuksok sa aking bulsa
Ang maunos mong pagmamahal.

Kung sa paglipad palayo ng mga ibon
At pagkabagsak sa putikan ng nalagas
nyang balahibong matagal ng nakaugat sa kanya’y
napapaluha ako.
Isasama ko na rin ang umaalimpuyos
kong pag-ibig..
kasabay ang mga tula ng pag-ibig,
at awiting katangi-tangi,

sa malakas na daloy
Ng tubig bahang malayang
dumadausdos sa lansangan..

Sa Aking Paghihintay*



Sa isang sulok ng terminal
Isang alaala ang nakipaglaro sa akin
“sa isang malamig na dampi ng hangin;
Sa init ng pakiramdam nang
sya’y aking makandaupang-palad…”
Na naging mitya ng paghalukipkip ko
Sa katawan nyang pinag-alab ng araw
Upang maging sandata sa aming malamig na paglalakbay.

Sa isang sulok na ito,
isang sugat ang muling nabubuhay
Ang alaala ng mga sandaling
Dumating na ang bukang-liwayway..

Naghiwalay ang aming mga bisig
Na kanina lamang’y mahigpit na magkahawak,
Utay-utay, habang lumalakad syang palayo.
Tatlo-apat na beses syang lumingon pabalik.
Ngunit, naglaho din syang tuluyan sa aking paningin..

Sa isang sulok na ito,
kasama ka mang umalis ng kahapon
At napadpad gaya ng mga alikabok
Sa gulong ng mga sasakyan dito,
Muli akong aasang sa muling pagsikat ng araw
Wala ng bukang-liwayway o paglubog ng liwanag..

At sa muling pagbabalik ng malamig na hangin
Kasama ka nyang darating
Baon ang pangakong sasamahan ako
Sa habambuhay nating paglalakbay…

Mga Kaibigang Manlalakbay