Thursday, October 14, 2010

As I Always Dream of You



Every time I open my eyes,
From a long time of sleep last night;
My tiny tears begin to fall..
Tears never cease to call
your name
your smile
your radiant face
your stupid aura
and even your dull kinky hair.
I always hear your whispering
I often imagine you hold
my calloused hand so softly..

So, if I will be give a chance
to bring back the one part of my life..
I'll choose the time when;
I was watching you--
as you carve our name,
in the sturdy molave tree
during our days.

Kunwari Makata

Hindi na ako marunong magsulat


ng balitang maanghang
ng sanaysay at tanaga


Hindi na ako marunong tumula.
Hindi na rin ako makasaad ng talinhaga;
Nalilimutan ko na rin basahin
ang galaw ng mga bawat salita.

Hindi na ako marunong magsulat,
Hindi na rin ako marunong tumula.

Ah! Oo nga pala, hindi naman talaga ako makata!

Sunday, October 10, 2010

Kumbakit Bawal ako Mag-asawa Basta-basta



Hindi uso ang paggawa ng kontrata sa isang magkaibigan. Minsan kasi hindi rin nasusunod, kaya useless lang ang ginawang kasunduan.

Sa amin ni Zandra, na apat na taon kong nakasama; na siyang naging kasabay ko sa pagdadalaga, nakakatanungan ko lagi kung may ‘tagos’ ba ang palda ko sa gitna ng klase, at nasasabayan sa mga kalokohan sa buhay.. totoo ang inaakalang kontra-kontrata sa isang tipikal na magkaibigan.

Klasmeyt ko sya nung hayskul. Kaya lang, mula nung gumradweyt kami taong 2006, umalis na ako kaagad papuntang Maynila para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. At mula nun, hindi na kami nagkita.

Marami na rin ang nag-asawa sa amimg batch matapos kaming gumradweyt.. Ilan na rin sa kanila ang may trabaho na. Pero kami ni Zandra, nag-aaral pa rin. Sa isang institusyon sa Leyte siya nag-aaral bilang estudyante ng Hotel and Restaurant Management (HRM) samantalang ako sa isang institusyon dito sa Maynila. Pareho kami ng level ng pag-aaral. Kung susumahin kasi, sabay kaming gagaradweyt sa darating na taong 2012.

Salamat sa cellphone, friendster at facebook na tumulong para mapanatili ang ugnayan naming dalawa kasama ang ilan naming mga kabarkads. Kaya naman, tuloy-tuloy palagi ang aming balitaan, kwentuhan at girl’s talk na nakasanayan noon. Dahil din dito, kung kaya’t nabuo namin ang isang kontrata. Kahit na ilang milyang dipa pa ang layo namin sa isa’t isa.

Ang kontrata na ito ay sumibol sa gitna nang di inaasahang panahon. Basta ang alam ko lang kailangan namin ito sa ngayon at kailangan namin itong seryusuhin. Nagsisilbing gabay, motibasyon at babala ito sa aming dalawa.

Simple lang ang laman ng kontrata. Magbabayad kami ng limang libo kung sino man sa amin ang unang nag-asawa. Gaya kasi ni Zandra, ayoko ring mag-asawa kaagad. Ayokong magka-anak na parang “boom!!”.. Panu ako nagka-baby? Haha! Magic! (alam mu na yun!) Kaya naisipan namin itong gawin.

Alam ko, internal pa rin ang magpapasya at sarili pa rin ang magtatakda ng daloy ng aming mga buhay. Pero ang kontratang ito, matupad man o hindi ay malinaw na aparato para mapanitili kaming mapag-ugnay. Bilang isang kaibigan, kapatid, kapalagayang-loob.. kahit na isang milyong kilometro pa man ang maging pagitan.

Anu pa man, alam naming kaya namin itong lagpasan. At kaya namin itong panindigan! At kahit na anong mangyari, ayokong magbayad sa’yo Zandra ng Limang libo at ayokong mang-libre ng isang engrandeng party dahil lang sa natalo ako sa ating naging pustuhan.. :) Rak 'n rol!

Thursday, October 7, 2010

Mga Hindi Naipadalang Liham

Mahal ko, sana naririnig mo
ang aking mga bulong,
Maging ang aking mga agam-agam
sa tuwing matayog
ang buwan sa kalangitan..

Sana marinig mo ang
pagdausdos ng aking mga luha
mula sa nangungulilang mga mata.
Dumampi rin sana sa iyong mga labi,
ang mga pinakawalan kong
matatamis na halik sa hangin,
At nawa’y maisanib ang aking presensya sa iyong mga panaginip---
habang ikaw’y payapang nakahiga.

Kahit na isang beses lang
O kung di man, kahit saglit man lang.

Monday, July 19, 2010

Why do leaves commit suicide when they turn into yellow? _pablo neruda_

Friday, July 9, 2010

Ang Muling Pagbalik

Kamusta na mahal kong pahina?

Eto, isang araw na rin ang lumipas mula ng na-dehydrate ako. Sa sobrang init kasi ng classroom namin sa CBA at sa kahinaan ko na ring magbaon ng tubig sa klase.. ayun tuloy ang napala ko.
Hanggang ngayon weak pa rin ang pakiramdam ko.

ANyway, masaya pa rin naman ang buhay.. :) Sa piling ng mga bagong kasama, kaibigan at mga bagong kakilala.. Kasabay ng bagong set ng College League of Mayors (CLOM) na noo'y pinamunuan ko.--> (At mukhang mas competitve sila ngayon kaysa sa amin dati..) Which is good naman..

At ang pinaka-highlight na kaganapan sa'kin ngayon ay yung usapin ng acads ko.. As usual naman.. >> Eh, ewan ko ba naman kasi sa mga iilang prof namin sa CBA, 'pag mag-paliwanag ka sa kanila regarding political issues ang dating sa kanila ay masama na. Para bang feeling nila, nagmamagaling na ang estudyante na yun.. Napaka-subjective ng ilan sa mga prof ko. Haist! I am just a victim of their wrong doings..

Anyway, there's no big deal on that because no matter what... this is what I deserve to have. :) ANd what's important is, I KNOW WHAT I AM DOING. I am sure for whatever path i have chosen to enter..

No matter what, tuloy ang laban, tuloy ang pagkilos! Basagin ang mga maling ideo ng mga ilang pantas sa kolehiyo. Mga ideo na nagsisilbi sa pansarili lamang at hindi sa kagalingan ng sambayanan.STP! Padayon!

Thursday, December 31, 2009

My Christmas Vacation*

Noong nasa elementarya pa ako hanggang sa naging hayskul nalang ako, ito ang palaging pinapagawang project sa amin ng aming mga guro. Ang gumawa ng essay hinggil sa kung ano ang mga ginawa namin sa aming Christmas Vacation. Ewan ko ba kung bakit palaging ganun ang gusto nilang ipagawa sa amin. Kaya nga kung minsan yung ipinapasa kong project na essay sa aking Filipino o English teacher ay yung ginawa ko lang din noong nakaraang taon.

Siyempre doon sa essay na ginawa ko, hindi mawawala dun ang paglalarawan ko kung anong regalo ang mga natanggap ko ngayong Disyembre? Sinong ninang at ninong ang nag-abot sa akin ng aginaldo? Anong ang pinagsaluhan ng aming pamilya sa noche buena? At kung saan-saan ako nakarating sa pangangaroling?

Para lang maging maganda ang laman ng aking essay sinasabi ko kahit na kasinungalingan na siya. Mas masaya ang pasko ngayon kumpara sa nakaraang pasko. Sama-sama naming pinagsaluhan buong mag-anak ang aming noche buena. Si tatay nagpapaputok ng triangle habang si nanay ay abala naman sa pag-aabot sa amin ng aming mga regalo. Halos walong taon na ang lumipas simula ng isinulat ko yun sa isang ‘one whole sheet of paper’ at ipinasa sa aking guro mula elementarya at hayskul ng pare-pareho lamang ang nilalalaman.

Ang aking Proyekto sa Filipino o di kaya My project in English: My Christmas Vacation.... ah! Kung hindi lang para sa grade ko sa asignaturang ‘yun.. hindi ako magsusulat na ganun ang paksa ng aking isusulat na sanaysay. Hindi ko naman kasi talaga kailanman nakasama sa noche buena maging sa media noche ang aking ama at ina. Nagpapanggap lang ako. Kunwari masaya ako sa pasko, kunwari buo kami ng aking pamilya sa New Year.. Kunwari niyakap ako ni tatay at nanay habang binabati nila ako ng ‘Merry Christmas”...

Ito ang tunay na nilalaman ng aking Christmas Vacation essay. Pangungulila. Pagtatanong. Paghihintay...

Hindi ko alam kung kailan darating ang pasko na kung saan mararamdaman ko ang tunay na diwa nito. Ang makasama ang buong pamilya habang sabay-sabay na nagsasalo-salo ng kanilang inihandang pagkain. Kailan nga ba?

Sana, sa susunod na pasko hindi ako makapagsulat ng isang sanaysay hinggil sa kung paano ipagdiwang ang pasko ng mag-isa lang sa bahay.

*
hindi na sana kita gagamitin bilang title,
pero wag kang mag-alala ito na ang pinakahuli..

Sunday, June 7, 2009

Pagsuyo





Inalok niya ako ng tsokalate,
Lobong hugis-puso,
teddy bear,
cotton candy,
romantic card
roses
liham
cake

Niyaya nya akong mag-chowking,
mag-jollibee,
mag starbucks
magkwek-kwek
magfishball
magdate

Wala na akong mapagsidlan ng rosas *
Wala na rin akong buhok na
mapagsasabitan ng bago nyang biling clip*

Inilay nya man ang pusong nagmamahal
Wala namang espasyo ng pag-big para
sa masa
sa naaapi
para sa pusong nagmamahal ng tunay
sa tinta
sa katotohanan
sa kalayaan
sa pangkalahatan.

Ayoko ng pag-ibig na iilan lamang ang nakalalasap.
Ayoko ng pag-ibig na pansamantla.
Ayoko ng pag-ibig na sariling kaligayahan lamang ang iniisip..

Mga Kaibigang Manlalakbay