Thursday, October 14, 2010

As I Always Dream of You



Every time I open my eyes,
From a long time of sleep last night;
My tiny tears begin to fall..
Tears never cease to call
your name
your smile
your radiant face
your stupid aura
and even your dull kinky hair.
I always hear your whispering
I often imagine you hold
my calloused hand so softly..

So, if I will be give a chance
to bring back the one part of my life..
I'll choose the time when;
I was watching you--
as you carve our name,
in the sturdy molave tree
during our days.

Kunwari Makata

Hindi na ako marunong magsulat


ng balitang maanghang
ng sanaysay at tanaga


Hindi na ako marunong tumula.
Hindi na rin ako makasaad ng talinhaga;
Nalilimutan ko na rin basahin
ang galaw ng mga bawat salita.

Hindi na ako marunong magsulat,
Hindi na rin ako marunong tumula.

Ah! Oo nga pala, hindi naman talaga ako makata!

Sunday, October 10, 2010

Kumbakit Bawal ako Mag-asawa Basta-basta



Hindi uso ang paggawa ng kontrata sa isang magkaibigan. Minsan kasi hindi rin nasusunod, kaya useless lang ang ginawang kasunduan.

Sa amin ni Zandra, na apat na taon kong nakasama; na siyang naging kasabay ko sa pagdadalaga, nakakatanungan ko lagi kung may ‘tagos’ ba ang palda ko sa gitna ng klase, at nasasabayan sa mga kalokohan sa buhay.. totoo ang inaakalang kontra-kontrata sa isang tipikal na magkaibigan.

Klasmeyt ko sya nung hayskul. Kaya lang, mula nung gumradweyt kami taong 2006, umalis na ako kaagad papuntang Maynila para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. At mula nun, hindi na kami nagkita.

Marami na rin ang nag-asawa sa amimg batch matapos kaming gumradweyt.. Ilan na rin sa kanila ang may trabaho na. Pero kami ni Zandra, nag-aaral pa rin. Sa isang institusyon sa Leyte siya nag-aaral bilang estudyante ng Hotel and Restaurant Management (HRM) samantalang ako sa isang institusyon dito sa Maynila. Pareho kami ng level ng pag-aaral. Kung susumahin kasi, sabay kaming gagaradweyt sa darating na taong 2012.

Salamat sa cellphone, friendster at facebook na tumulong para mapanatili ang ugnayan naming dalawa kasama ang ilan naming mga kabarkads. Kaya naman, tuloy-tuloy palagi ang aming balitaan, kwentuhan at girl’s talk na nakasanayan noon. Dahil din dito, kung kaya’t nabuo namin ang isang kontrata. Kahit na ilang milyang dipa pa ang layo namin sa isa’t isa.

Ang kontrata na ito ay sumibol sa gitna nang di inaasahang panahon. Basta ang alam ko lang kailangan namin ito sa ngayon at kailangan namin itong seryusuhin. Nagsisilbing gabay, motibasyon at babala ito sa aming dalawa.

Simple lang ang laman ng kontrata. Magbabayad kami ng limang libo kung sino man sa amin ang unang nag-asawa. Gaya kasi ni Zandra, ayoko ring mag-asawa kaagad. Ayokong magka-anak na parang “boom!!”.. Panu ako nagka-baby? Haha! Magic! (alam mu na yun!) Kaya naisipan namin itong gawin.

Alam ko, internal pa rin ang magpapasya at sarili pa rin ang magtatakda ng daloy ng aming mga buhay. Pero ang kontratang ito, matupad man o hindi ay malinaw na aparato para mapanitili kaming mapag-ugnay. Bilang isang kaibigan, kapatid, kapalagayang-loob.. kahit na isang milyong kilometro pa man ang maging pagitan.

Anu pa man, alam naming kaya namin itong lagpasan. At kaya namin itong panindigan! At kahit na anong mangyari, ayokong magbayad sa’yo Zandra ng Limang libo at ayokong mang-libre ng isang engrandeng party dahil lang sa natalo ako sa ating naging pustuhan.. :) Rak 'n rol!

Thursday, October 7, 2010

Mga Hindi Naipadalang Liham

Mahal ko, sana naririnig mo
ang aking mga bulong,
Maging ang aking mga agam-agam
sa tuwing matayog
ang buwan sa kalangitan..

Sana marinig mo ang
pagdausdos ng aking mga luha
mula sa nangungulilang mga mata.
Dumampi rin sana sa iyong mga labi,
ang mga pinakawalan kong
matatamis na halik sa hangin,
At nawa’y maisanib ang aking presensya sa iyong mga panaginip---
habang ikaw’y payapang nakahiga.

Kahit na isang beses lang
O kung di man, kahit saglit man lang.

Mga Kaibigang Manlalakbay