Sunday, December 26, 2010

Sa likod ng Hungkag na mga Ngiti


Oh, malupit na mundo!
Hayaan mong ihimlay ko
ang aking pagal na katawan
Sa makapal mong damuhan.

Maari rin bang ipaubaya mo muna
Ang sariwang simoy ng hangin;
nang sa gano’y malanghap ko naman
Ang maginaw mong pagsinta.

Pahiram ng kanlungang ito,
upang may pagsidlan ako
ng aking mga hinanakit---

At sa huli,
hayaan mong pagmasdan ko
ang mga alaala
ng ating kasaganahan,
na nakabuyangyang naman ngayon
sa pinagsasamantalahan mong kalikasan.

Oh, malupit, makasariling mundo!
Habang nakikita kang pinamumunuan
ng kung sinumang ganid na reyna;
Tulungan mo akong makalimutan
ang sakit na aking nadarama---
nang makagawa naman ako
ng mga matatamis na ngiti;
kahit na ang mga labi ko’y nanginginig
sa malamig na pagsamyo ng iyong mga bulong,
dito sa nangungulila kong mga pisngi.

Wednesday, December 15, 2010

Mahirap sabihin kay ina na mahal ko siya



Kailan ko bang huling sinabi ang salitang “Mama, mahal na mahal po kita.”

Parang ang baduy pakinggan. Pakiramdaman ko ka-dramahan sa buhay ang sabihin yun sa kanya. Korny.. Korny talaga at korny.


Alas onse ng gabi ng dumating ako sa bahay. Tulog na ang lahat maliban sa tatlo kong mga kapatid na babae. Nadatnan ko sa kusina ang nakahandang hapunan. Tinanung ko ang mga kapatid ko kung sino ang di pa kumakain. Anila, ako nalang daw. Masarap ang pagkaing tinira nila sa akin. Masaya tuloy ang naging hapunan ko.

Ganunpaman, kung gaano naman ako kapili sa pagkain ay sampal naman sa akin bilang babae ang kahinaan ko sa gawaing kusina. Hindi naituro sa akin ni Mama ang magluto. Kahit na ang maglaba ng damit. Bente anyos na ako pero siya pa rin ang naglalaba ng mga madudumi kong damit. Nakakahiya! Dahil na rin sa maaga ako laging umaalis ng bahay at gabi nang kung umuwi; hindi ko na talaga maasikasong ayusin ang mga gamit ko sa kwarto naming magkakapatid.

Alas otso na ako nagising. “Shit! Late na ako sa klase kong 8:30 ng umaga,” bulalas ko. Dalawang oras pa naman ang biyahe mula sa amin papuntang skul. Pagkalabas ko ng kwarto, tumambad sa akin ang almusal sa lamesa at ang ingay ng washing machine. Nakakahiya! Si mama na naman ang naglaba ng mga marurumi kong damit na inuwi ko kagabi. At nakakatuwa, may almusal na kumakaway sa harapan ko hindi gaya sa boarding haws namin walang ibang almusal maliban na lamang sa ilang pirasong tinapay at kape; hindi kasi ako marunong magluto na almusal kagaya ng linuluto lagi ni mama.

Pagkatapos kong mag-almusal, nagpa-alam ako kay mama na uuwi ako sa boarding haws kaagad. Na umuwi lang talaga ako para kumuha ng uniform. Pumayag naman siya kaagad at muling pinaalala na huwag akong uuwi ng bahay ‘pag malalim na ang gabi.

Nakahanda na ang malaki kong bakpak, hudyat ng pag-alis; nakita ko ang pagal na imahe ni Mama. Ayoko magdrama pero ang mahaba niyang buhok na parang nag-uutos sa akin na suklayin ito ang nag-uudyok sa aking lapitan siya. Ang kalyadong niyang palad na masarap haplusin, ang pawis sa kanyang likuran na malambot pahiran ng kapirasong tuwalya, ang namamaga niyang braso, ang mapanglaw niyang mga mata... ayokong isipin na dahil sa akin nagkakaganyan siya.

“Ma, pag mapagtapos ko ng pag-aaral ang mga kapatid ko at kapag umani na ng tagumpay ang aming pakikibaka; hinding hindi na tayo aalipin ng lipunan at ng sinasabi mong tadhana,” naibulong ko lang. Ang tanga ko, bakit di ko direktang masabi. Hinilot ko ang noo ni mama sabay tanong, “Ma, masakit pa ba ang ulo mo? I-press ko kaya likod mo para mawala yung stress mo,” alok ko sa kanya. Pumayag naman siya. Habang hinihimas ko ang mga kalamnan niya, dinadalangin ko na sana mawala na ang mga pagod niyang ito. Mawalay na ang hapdi ng kahirapan na nararamdaman niya dulot ng ilang taong pagiging ama’t ina sa aming apat na magkakapatid.

Habang paalis ng bahay, hinabol niya ako. Inabot niya sa akin ang pera pero binalik ko rin sa kanya. Ayokong tumanggap ng sobrang allowance mula sa kanya. Pagkanaka’y may sinabi siya at akala ko’y sesermon na naman ako, “Kelan ang uwi mo niyan?... Ingat sa pagrarali, basta ingatan mo lang sarili mo.” Napalunok ako ng laway ko. Di ko alam kung paano ba dapat ako mag-react dito. “Natutuwa ako sa’yo kasi kahit papano nagbago ka. Nagka-interes ka na sa gawaing bahay at hindi puro libro nalang ang inaatupag mo gaya ng dati. Ganyan ba talaga ‘pag aktibista na?,” tanong niya.
Nangatog ang buong kalamnan ko. Hindi ko kailanman inamin kay mama na aktibista na ako, pero alam na pala niya. Naiyak ako, hindi napigilan. “Sa susunod na linggo po ako uwi, hayaan mo pag-uwi ko dito marunong na akong magluto at magpaputi ng puting damit,” pagmamayabang ko sabay pahid ng luha. Para na naman akong bata!

“I love you Ma. Salamat dahil nauunawaan mo,” sabi ko sabay yakap. Sa wakas nasabi ko rin. Korny man pero para sa akin isang tagumpay. Naigpawan ko rin ang ganito kasimpleng hamon.

Ngumiti lang siya sabay kaway habang dahan dahan akong lumabas ng aming gate.

Wala akong ibang magandang regalo sa paskong ito sa aking ina. Maliban na lamang sa presensya ko sa aming tahanan ngayong pasko. At iparamdam sa kanilang sa gitna ng aking patuloy na pakikibaka tungo sa pagbabago ng lipunan ay ang aking walang hanggang pag-ibig sa kanila at sa masang dapat na pinaglilingkuran —gaya ng itinuro ni Hesus. Ito na marahil ang esensya ng pasko.

Thursday, October 14, 2010

As I Always Dream of You



Every time I open my eyes,
From a long time of sleep last night;
My tiny tears begin to fall..
Tears never cease to call
your name
your smile
your radiant face
your stupid aura
and even your dull kinky hair.
I always hear your whispering
I often imagine you hold
my calloused hand so softly..

So, if I will be give a chance
to bring back the one part of my life..
I'll choose the time when;
I was watching you--
as you carve our name,
in the sturdy molave tree
during our days.

Kunwari Makata

Hindi na ako marunong magsulat


ng balitang maanghang
ng sanaysay at tanaga


Hindi na ako marunong tumula.
Hindi na rin ako makasaad ng talinhaga;
Nalilimutan ko na rin basahin
ang galaw ng mga bawat salita.

Hindi na ako marunong magsulat,
Hindi na rin ako marunong tumula.

Ah! Oo nga pala, hindi naman talaga ako makata!

Sunday, October 10, 2010

Kumbakit Bawal ako Mag-asawa Basta-basta



Hindi uso ang paggawa ng kontrata sa isang magkaibigan. Minsan kasi hindi rin nasusunod, kaya useless lang ang ginawang kasunduan.

Sa amin ni Zandra, na apat na taon kong nakasama; na siyang naging kasabay ko sa pagdadalaga, nakakatanungan ko lagi kung may ‘tagos’ ba ang palda ko sa gitna ng klase, at nasasabayan sa mga kalokohan sa buhay.. totoo ang inaakalang kontra-kontrata sa isang tipikal na magkaibigan.

Klasmeyt ko sya nung hayskul. Kaya lang, mula nung gumradweyt kami taong 2006, umalis na ako kaagad papuntang Maynila para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. At mula nun, hindi na kami nagkita.

Marami na rin ang nag-asawa sa amimg batch matapos kaming gumradweyt.. Ilan na rin sa kanila ang may trabaho na. Pero kami ni Zandra, nag-aaral pa rin. Sa isang institusyon sa Leyte siya nag-aaral bilang estudyante ng Hotel and Restaurant Management (HRM) samantalang ako sa isang institusyon dito sa Maynila. Pareho kami ng level ng pag-aaral. Kung susumahin kasi, sabay kaming gagaradweyt sa darating na taong 2012.

Salamat sa cellphone, friendster at facebook na tumulong para mapanatili ang ugnayan naming dalawa kasama ang ilan naming mga kabarkads. Kaya naman, tuloy-tuloy palagi ang aming balitaan, kwentuhan at girl’s talk na nakasanayan noon. Dahil din dito, kung kaya’t nabuo namin ang isang kontrata. Kahit na ilang milyang dipa pa ang layo namin sa isa’t isa.

Ang kontrata na ito ay sumibol sa gitna nang di inaasahang panahon. Basta ang alam ko lang kailangan namin ito sa ngayon at kailangan namin itong seryusuhin. Nagsisilbing gabay, motibasyon at babala ito sa aming dalawa.

Simple lang ang laman ng kontrata. Magbabayad kami ng limang libo kung sino man sa amin ang unang nag-asawa. Gaya kasi ni Zandra, ayoko ring mag-asawa kaagad. Ayokong magka-anak na parang “boom!!”.. Panu ako nagka-baby? Haha! Magic! (alam mu na yun!) Kaya naisipan namin itong gawin.

Alam ko, internal pa rin ang magpapasya at sarili pa rin ang magtatakda ng daloy ng aming mga buhay. Pero ang kontratang ito, matupad man o hindi ay malinaw na aparato para mapanitili kaming mapag-ugnay. Bilang isang kaibigan, kapatid, kapalagayang-loob.. kahit na isang milyong kilometro pa man ang maging pagitan.

Anu pa man, alam naming kaya namin itong lagpasan. At kaya namin itong panindigan! At kahit na anong mangyari, ayokong magbayad sa’yo Zandra ng Limang libo at ayokong mang-libre ng isang engrandeng party dahil lang sa natalo ako sa ating naging pustuhan.. :) Rak 'n rol!

Thursday, October 7, 2010

Mga Hindi Naipadalang Liham

Mahal ko, sana naririnig mo
ang aking mga bulong,
Maging ang aking mga agam-agam
sa tuwing matayog
ang buwan sa kalangitan..

Sana marinig mo ang
pagdausdos ng aking mga luha
mula sa nangungulilang mga mata.
Dumampi rin sana sa iyong mga labi,
ang mga pinakawalan kong
matatamis na halik sa hangin,
At nawa’y maisanib ang aking presensya sa iyong mga panaginip---
habang ikaw’y payapang nakahiga.

Kahit na isang beses lang
O kung di man, kahit saglit man lang.

Monday, July 19, 2010

Why do leaves commit suicide when they turn into yellow? _pablo neruda_

Friday, July 9, 2010

Ang Muling Pagbalik

Kamusta na mahal kong pahina?

Eto, isang araw na rin ang lumipas mula ng na-dehydrate ako. Sa sobrang init kasi ng classroom namin sa CBA at sa kahinaan ko na ring magbaon ng tubig sa klase.. ayun tuloy ang napala ko.
Hanggang ngayon weak pa rin ang pakiramdam ko.

ANyway, masaya pa rin naman ang buhay.. :) Sa piling ng mga bagong kasama, kaibigan at mga bagong kakilala.. Kasabay ng bagong set ng College League of Mayors (CLOM) na noo'y pinamunuan ko.--> (At mukhang mas competitve sila ngayon kaysa sa amin dati..) Which is good naman..

At ang pinaka-highlight na kaganapan sa'kin ngayon ay yung usapin ng acads ko.. As usual naman.. >> Eh, ewan ko ba naman kasi sa mga iilang prof namin sa CBA, 'pag mag-paliwanag ka sa kanila regarding political issues ang dating sa kanila ay masama na. Para bang feeling nila, nagmamagaling na ang estudyante na yun.. Napaka-subjective ng ilan sa mga prof ko. Haist! I am just a victim of their wrong doings..

Anyway, there's no big deal on that because no matter what... this is what I deserve to have. :) ANd what's important is, I KNOW WHAT I AM DOING. I am sure for whatever path i have chosen to enter..

No matter what, tuloy ang laban, tuloy ang pagkilos! Basagin ang mga maling ideo ng mga ilang pantas sa kolehiyo. Mga ideo na nagsisilbi sa pansarili lamang at hindi sa kagalingan ng sambayanan.STP! Padayon!

Mga Kaibigang Manlalakbay